"My thoughts are stars I cannot fathom into constellations"
-The fault in our Stars
Noong 2010, bago matapos ang taon gumawa ako ng forecast para sa susunod na taon. 2011. Matapos ang isang taon eh hindi ko na siya nabalikan ni hindi ko man lang siya na-check kung may mga nagawa ba ako sa listahan o wala kaya ngayon tignan natin kung meron ba akong mga nagawa sa listahang yon.
1. Mag resign at lumipat ng company - check
- Mas gusto ko na ang trabaho ko at ang ginagawa ko ngayon kesa noon. at least walang calls. skills required eh hindi na lang about sa english communication. Critical thinking, Analyzation, Judgement (Policies), Responsiblity, Time management, Daily reports at kung anek anek pa. Diyan umiikot ang job description ko. yun nga lang ang workload and responsibility pang upper management na pero ang salary--- plangak! bagsak presyo. hahaha!
2. Manuod ng sine mag isa - check
- Eto na try ko na. May mga tips akong bibigay sa inyo para hindi niyo maranasan ang nangyari sakin. Epic fail. Haha! Tip no.1 Mag research sa balak mong panoorin na palabas. huwag sabak ng sabak. Isipin kung maari bang panuorin ito kahit mag isa lang. Hal. kung horror wag manood mag isa para hindi ka nagugulat mag isa. awkward yun sa mga katabi mo. Kung romance naman, kalimutan mo na made-depress ka lang kasi single ka at mag isa ka pang nanunuod ng movie. Kung comedy naman. kung bet mo tumawa ng malakas mag isa go lang pero wiz share ng happenings sa katabi. sarilinin mo na lang. Tip no. 2 Kung mag sure seats ka pag aralan mabuti kung saan naka puwesto ang seat mo. Wag shonga shonga sa directions para walang nawawalan ng seat. Buwahahahaha! Sorry sa couple na nawalan ng seat dahil sakin. hihi!
3. Go domestic - ekis
- I realized this is not the right time for travelling. Ayoko mapadpad sa islang isla na saktong sakto lang ang dalang pera. Alam niyo na ibig kong sabihin ah
4. Gym - check
- Pumayat naman ako kaya lang nung pumasok ang 'ber' months eh naging busy na ako at di na nakaka visit sa gym kaya medyo tumataba na uli ako pero babalik naman ako pag stable na yung di na ko nag o-oty sa office.
5. Magkaroon ng savings at magtipid - ekis
- Taon taon ko na lang sinasabi to eh wala naman nagbabago hindi ko rin nagagawa. Kaya ngayon eto na ang mantra ko when it comes to money and buying. "I will not deny myself to the simpler pleasures in life" char!
6. No more drama - ekis
- C'mon! let's be realistic. Hindi maiiwasan yan. its like Oblivion -- inevitable.
I wish na matupad lahat yan kapatid...
ReplyDeleteHalos pareho tayo ng nasa list...hyyyy
Happy New Year Sa iyo!!!!
Ay di nagbababsa.. hihi!
Deletehappy new year :)
hahaha katawa lang yung comedy mag-isa tapos wala kang mashare ng tawa mo hahaha
ReplyDeleteimagine mo di ka makakapag share sa katabi mo kasi di mo naman kilala. hahaha!
Deletelahat sa list mo hindi ko tlga natupad ,,, uso din pala oty sa inyo hahaha
ReplyDeleteang oty ang di nalalaos dito sa office. haha!
DeleteIcheck mo na yang mga ekis mo this year. Good luck sayo :)
ReplyDeleteHappy 2013 :)
ay malabo pa sa no more drama tsaka sa go domestic
Deletetamang pagkakataon para maging check din ang mga na ekis, buti na lang pala sanay akong manuod ng sine magisa kaya alam ko na yung iba ibang mga teknik haha.
ReplyDeletenaku ser malabong ma check ang no more drama.
Delete1. Lakas din ng loob mo ah. At least napabuti ang pag-lipat mo. Ako nga gusto ko na rin alisan ang trabaho ko. Nag level-up na nga status ko dun eh. For others, they'll call it promotion. I think of it as change of role, or nagdagdag ng trabaho dahil tanga ako. Hehehe... Anyway, 7.1% GDP ng Philippines compared sa -4.4% ng Italy. So I guess, mas madali na rin ngayon makahanap ng bagong trabaho. Ok nga yan. Work dignifies man. Yun nga lang, hindi dignifying minsan ang mga sitwasyon sa trabaho, lalu na ang mga slave-driving superiors at ang HINAYUPAK NA SALARY AY LAGING BANSOT! Ayaw nang tumaas!
ReplyDelete2. Words of wisdom nga naman ay nagmumula sa mga experiences. hahaha! Talaga lang ha. Bakit mo naman naisipan manood ng sine mag-isa? Natutuwa din ako kasi sa karamihan this is something na unthinkable. Eh ako, habit ko na rin yan. Hirap kasi na kapag barkada mo iba ang cinematic taste. Minsan nagsama ako manood ng isang spy film. Natulog lang sila at walang naintindihan. Walang pinagkaiba sa panonood ng sine mag-isa. Pero mahirap nga talaga ang manood mag-isa. Very awkward kapag nagulat ka at napasigaw mag-isa, o yung napapaiyak ka na pero pinipilit mo na huwag umiyak dahil nakakahiya sa katabi, tapos yung napatawa ng sobrang lakas katabi ang mga total strangers. Pero wala nang mas masaklap pa sa panahon na ihing-ihi ka na, tapos nag banyo ka, pagbalik mo yung seat mo nakuha na ng iba. Yan ang nakakabadtrip talaga sa panonood ng sine magisa.
3. Hay nako, never go on a trip na saktuhan ang pera. You never know what could happen to you. Dapat laging may emergency fund. Maliban na lang kung may mga kaibigan ka na kasama mo na puede mong mahiraman just in case na mangailangan ka.
4. Nako! Let's get back to the gym!!!! Now na! hahaha! hirap ng mga birthdays, parties, at holidays! Favourite sin ko pa man din ang gluttony.
5. Start small. Everything comes from small beginnings. O di kaya kumuha ka ng insurance or investment funds na pipilitin ka mag deposit ng maliliit na amount every month. Makaka-ipon ka ng ganyan, plus interest. I started in 2009. Ngayon lumalaki na ang ipon ko sa isang investment company. Yun nga lang eh nagkautang ako. Di bale na! Mag-ipon ay hindi biro!
6. Nako, mawawala ba naman yan? Please, we're Filipinos, we came from a country full of drama queens- hindi lang sa theatres at studios at TV, nasa Malacanang, Senate, House of Representatives, Supreme court, tindahan, groceries, malls, sa kanto, sa kapitbahay at mismong sa bahay natin laging may drama!
1- 5 I concur
Delete6. Kasalanan yan ng nasa entertainment industry eh. have you ever think how influential they are and how fragile we are?
Wishing na matupad mo ang nasa iyong list. :)
ReplyDeleteSa lahat jan, tingin ko may isa din akong hindi kayang gawin, yung pang huli! HAHAHAH! ;) Magandang gabi!:)
ReplyDelete