"Oh you could just pretend to be with her all day, Remember the feeling when you, First held hands today Imagine her in your favorite white, Dress Smiling at you as if she thinks that, you're the best.... "(Ring tone ko)
ME: “hello”
BESPREN: “ui, nagugutom ako! Di pa ko nagdi-dinner eh”
ME: “sino to?”
BESPREN: “si tin”
ME: “oh? Tumawag ka sakin para sabihing nagugutom ka?”
BESPREN: “uu”
ME: “nge! Eh anu gagawin ko? Bakit sakin ka tumawag, mukha ba kong Jollibee?”
BESPREN: “ahahaha! Gagu! Eh nagugutom kasi ako eh. Nakatulog ka na ba? Punta ka dito sa bahay”
ME: “HA?! Eh kung kumakain ka na kaya bili ka sa labas hihintayin mo pa ko”
BESPREN: “eeeeeee!”
ME: “anung eeeee! Dali na bumili ka na, tsaka maya pa kong after 10pm pede umalsis wala pa si Roxanne eh”
Si Roxanne ay kapatid ko, kadalasan hindi ako pwede umalis ng bahay pag weekends pag di pa siya dumadating. Parang basketball lang dapat may sub.
BESPREN: “gusto ng happy lemon tara MOA tayo.”
ME: “MOA? Layo naman! Kamusta naman sa ibabayad ko sa cab Php200 para lang sa happy lemon. Ang dami mo naman gusto.”
BESPREN: “may sasabihin ako sayo.”
ME: “anu?”
BESPREN: “buntis ako!”
ME:“weeeeh? Di nga?”
BESPREN: “uu nga! Ayaw maniwala.”
ME: “ewan ko sayo. Sige na. inaantok pa ko eh.”
BESPREN: “totoo ngang buntis ako anu ba!”
ME: “ah ok. Sige na!”
BESPREN: “punta na lang ako kila ronnie ”
ME: “grabe ah dun ka pa makiki-kain. Hahaha! Chos lang”
BESPREN: “Ahahahaha! Basta MOA tayo ah.”
ME: “okay pero maya pa ko makaka alis ah.”
BESPREN: “okay basta sunod ka!”
ME: “okay.. sige na. tulog muna ko. Bye”
BESPREN: “Okay. Bye!”
Di talaga ako makapaniwala kaya I confirmed it sa iba pa naming friends and yes! Juntis nga ang best friend ko. Nagkayayaan kami sa MOA and yes! I can tell juntis nga siya hindi pa naman malaki ang tiyan niya dahil 1month pa lang siyang juntis pero halatang halata dahil sa mood swings niya. It’s a quite challenge pag kasama siya. Diva attitude kung diva attitude. Mabilis mapagod, mabilis uminit ang ulo, laging na iinitan, laging naka kunot ang ulo, ang daming gustong kainin jusko feeling kaming 3 becky na kasama niya at that day ang tatay. Hindi kasi namin kasama yung jowa niya kaya kaming mga beck yang nagsisilbing asawa niya.At higit sa lahat… para kang may kasamang MMDA dahil BAWAL MAG YOSI! Eh hindi naman namin mapipigilan yun kaya lumalayo na lang kami kapag nagyo-yosi kami. Nag coffee kami sa may by the bay since etong si juntis ay pagod na daw. At doon ako nagkaroon ng pagkakataong magtanung tanung sa kanya.
Napaka gaan ng usapan naming. Walang iyakan, walang drama, walang sama ng loob. Napaka gaan. Panu kasi, planado naman pala ang pagbu-buntis niya. Although hindi pa sila kasal at mga bata pa pero makikita mong walang regrets sa mata niya. Okay naman kasi sila eh. Both parties may stable job, pareho namang legal sa family in fact tinanong nga sila kung kelan nila balak magpakasal. Isa lang ang kinakatakutan ko, sana maging patient ang jowaers niya lalo na ngayong mood swings to death etong si bilat eh knowing the guy medyo maikli ang pasensya niya. Sana din maintindihan niya yung sitwasyon ng bilat.
It takes a lot of patience and understanding for both parties to surpass this pregnancy. Para maging smooth flowing ang 9 months. Marami pa silang pag da-daanan. Actually, nagsisimula pa lang sila. Pero I guess may pregnancy or wala patience and understanding is a requirement sa relationship.

kung anuman, blessing prin ang isang baby, just be there for your friend.
ReplyDeletekorak si keaton! dapat maging masaya dahil blessing ang baby! :) kami ni james may baby na rin kasi. kaya nakakarelate ako much. haha
ReplyDeletemeron din akong mga close friends na girls, and wala pa namang nabubuntis. hindi ko alam kung ano magiging reaction ko if ever. pero lagi namang blessings ang mga babies, kaya go lang! at swak na rin kung ready na at may stable na work. :D congrats kay bestfriend mo!
ReplyDeleteaww congrats sa bestfriend mo! :)
ReplyDeletethanks everyone! :) hihi...
ReplyDelete--oi Russ! Bakla ka.. binulgar mo sa madla.. at nag name drop ka pa.. hahaha! but anyway, thank you so much!
andami kong tawa sa post mong to.. hahaha..
i love you bff! mwah..