Thursday, June 2, 2011

Landian sa Asotea... chos!



Meron lang akong gusting i-share sa inyo mga kapatid sa kalandian. Meron kasi akong colleague dito sa office na… ewan ko. hindi ako sigurado kung nag papahiwatig siya ng kung anu or what eh! pero ayoko muna mag assume dahil sino ba naman ako para magi sip na nagkaka interes sa akin ang baklita. kaya ibibigay ko sa inyo ang pagkakataong humusga.

Second batch siya na na-hire dito sa office namin. By the way, kami kasi ang first batch dito sa company na toh bago lang kasi ito. So ayun, nung una hindi ko naman siya masyado napapansin kasi hindi naman siya yung mga tipo ko. may itsura pero alam kong bakla siya. So ayun, dedma lang ako sa kanya everytime na magkakaron ng meeting kasi dun lang namin nakakasama ang second batch.

So, nagdaan na nga ang mga araw matapos ang first day nila dito sa office. Medyo napapansin ko na din siyang tumitingin tingin sa akin pag nag iintay ako sa elevator or pag nakakasama namin siya sa meeting. Pero dedma lang ako sa kanya. hindi ko naman kasi iniisip na may pagnanasa nga siya akin. chos lang! since then nag e-exist na siya sa akin. medyo medyo napapansin ko na din ang pamintang baklang yun pero again dedma pa din ako sa kanya. and when I say dedma.. dedma talaga dahil hindi ako gumagawa ng move para lumandi sa kanya. as in!

Isang gabi, papasok na ako sa office. Pagbaba ko ng cab tinawag ako nung friend/officemate ko. so ako naman si lapit sa kanya. bago pa pala ako bumaba nakita ko siyang kausap si pamintang buo na kausap siya. Balik tayo sa kwento, ayun na nga lapit naman ako dito sa friend ko.

Karl:”tinatanung niya kung saan ka nakatira?”
Me:”sino?” habang lumi-lingon lingon sa paligid at hinahanap kung sino man yun sinasabi niya
Karl:”si brandy”
Me:”Sinong brandy?
Karl:”si brando gaga!”
Me: “wahahahaha! Bakit brandy?”
Karl:”eh becky siya eh..” sabay ngiting aso
Me:”ikaw talaga! Oh! Bakit niya tinatanong kung saan ako nakatira?”
Karl:”nakikita ka daw niya kasi sa kalentong eh.”
Me:”aahhhh! Eh siyempre taga san juan ako eh diba dun ako sumasakay papasok dito sa office.eh bakit hindi niya sa akin itanong?”
Karl:”aba! Malay ko! baka type ka!”
Me:”choosera! Palaka ka!” sabay hampas sa braso niya

simula noon nagmarka na sa akin ang baklang paminta. Medyo napapansin ko na din ang mga paglalandi niya… chos! Makalipas ang ilang linggo nagkaroon din ng lakas ng loob ang bakla na itanong sa akin ang tinanong niya sa kaibigan ko. at simula non’ pansin ko na din ang pagpapa-pansin niya sa akin. magugulat na lang ako at kakausapin niya ako through office communicator *parang yahoo messenger* at kung anu-anung itatanong na pwede namang sabihin sa personal. Minsan naman pag pupunta ako sa men’s room at nandoon din siya titingin siya sa mata ko ng ilang Segundo at pagkatapos ay iiwas din. Yung tipong parang may gustong sabihin pero ayaw. Gagawin niya yun everytime na magkakasabay kami sa men’s room. Hindi naman ako engga para hindi malaman ang pagkakaiba ng normal na tingin sa hindi. At isa pa, mararamdaman mo naman yun diba? Diba? DIBA!! Sumang ayon ka sakin!!! Chos!

Pero again, gaya nga ng sinabi ko.. ayoko mag assume dahil hindi ako taga assumption. Chos! Ang balita ko kasi may jowa na siya at live in pa sila ng bakla kaya ayun. Pero ewan ko..
Tanong ko lang bakit siya laging nag pi-PM sa akin na pwede naman sabihin in person. At ang mga tingin grabe… nakaka conscious! Haha!

At everytime na dadaan ako sa station niya… ang mga titig nakaka tunaw *feeling!* hindi naman siya ganun ka gwapo pero pwede na din. Laman tiyan para sa hopeless romantic na kagaya ko. haha!
So! I leave everything to you guys… 

ano sa tingin niyo?


6 comments:

  1. karerin na yan habang maaga, baka magkaroon ng 3rd batch at malipat ang attention nya sa iba.
    goodluck!

    ReplyDelete
  2. lamang tyan pa teh? o choosy ka lang siguro.

    tingin ko nagpaparamdam tlga yan kaya tsugihin na! bwahaha.. kung ano man ang nais mo sa kanya edi gow gow sagow! :D

    ReplyDelete
  3. Landi much! hahahahaha.. Anway, pag ng pakita ng motibo GO agad.. Chance na yan.., hahahaha

    ReplyDelete
  4. @orally: ayoko! may jowa eh..

    @green: mejo choosy kasi ako teh! LOL!

    @tim & conio: ayoko sa kanya.. medyo feeling kasi eh

    ReplyDelete
  5. wala yan..
    tinitingnan lang nya kung pwede pa rin ba xa,, kung saleable pa rin ba...

    LOL

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression