Tuesday, October 5, 2010

insekyora ka!

nitong mga nakaraang araw i began back reading ng mga blogs na fina-follow ko. nag start ako kay bookie then kay my-so-called-quest and now start reading desole's boy entries.

i really dont know how should i feel reading their blogs pero nangingibabaw talaga sa akin ang insecurities. Sa twing makakabasa ako ng blog ng iba mafe-feel kong wala akong kwenta. na walang sense ang mga pinaglalagay ko sa blog ko na nag fe-feeling lang ako na may nagbabasa ng mga entries ko. na masyado kong pinagsiksikan ang sarili ko sa blogspehere. na hindi naman ako karapat-dapat na magsulat. na may nagco-comment lang sa mga entries ko dahil nag comment ako sa kanila or dahil sa awa kaya sila nag comment sa akin. i had this entry before entitled "best comment evah". some of my close friends commented na mag write lang daw ng mag write pati ata si nimmy nag comment ata ng ganun. yung iba naman sinabi sa akin personally.

"akala mo lang walang nagbabasa ng blog mo, tinatamad lang mag comment."

natuwa naman ako sa mga sinabi nila pero kulang talaga eh. or may kulang sa mga gawa ko hindi pa din ako kuntento. honest naman ako sa mga sinasabi ko sa blog pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. i actually inspire other people to make their own blog. 8 of my closest friends were inspired to make one. one of them is my supervisor three of them had their first entry tungkol sa akin. siyempre super flattered and kilig naman ang lola niyo. super thank you sa kanila.

bakit kaya ganun na i-inspire ko ang ibang tao pero ang sarili ko hindi ko ma-inspire. madali akong ma insecure sa blog ng iba pero silang mga friends ko naniniwala sa akin.. what's wrong with me?

i admit na lumaki akong walang tiwala sa sarili. it started when my father left us with no reason at all or maybe my mother doesnt wants us to know the real reason. siguro ayaw niyang mawala ang respeto namin sa kanya kaya mas pinili niyang huwag nang ipaalam sa amin. hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit niya kami iniwan at ayaw ko na rin naman mag tanung. simula ng iwan niya kami hindi na ako madaldal, hindi na ako masyadong nagsasalita. hindi na ako masyadong nakikipag usap sa ibang mga bata. pakiramdam ko simula ng iwan niya kami dala-dala din niya ang self-confidence at self-esteem ko. simula nun naging emotional eater na din ako.
kaya heto ako ngayon ang baba ng tiwala sa sarili. insecure kung baga. and this is something that i need change i hope i can change it at sana hindi na ako ma-insecure pa sa mga nababasa ko.

18 comments:

  1. hey no need to be insecure. just be true to yourself and what you write. nuong nagsisimula akong magblog wala rin naman masyadong dumadaan sa blog ko. and until now i write because i enjoy writing so much and not to please others. :)

    eventually people will notice you because you're unique and you're also one interesting soul.

    ReplyDelete
  2. Walang kwenta? Ikaw?... akala mo lang wala. pero MERON.

    ReplyDelete
  3. aww... here's my arms russ.. willing to hug you :(

    ilang beses ko ba sasabihin na di ka dapat ganiyan.. alam mong andito kami ng mga friends mo as your family..

    ReplyDelete
  4. ok first, I don't leave comments here coz you comment back, I do leave you some "dings" coz I like reading your entries (since I started following you) -- I just wanna make that clear! :D

    wag na ma insekyora! meron ka sarili talent sa pagsusulat. hinde mo kelangan ng isang libo na mga ass kissers, dahil kahit konte, meron jan na nakaka appreciate sau. ;) yung alam mo na na-appreciate ka talaga. ;)

    cheer up! :D

    ReplyDelete
  5. yan ay produkto ng isang malaking...kalandian. oh yeah! kalandian! hahahaha! tantanan mo yang ganyang pag-iisip. dapat matuto kang maging ano..yung wala kang pakialam sa kanilang lahat. ganon lang yon! hahahaha! at para sa mga comment comment ek ek mo, hayaan mo sila kasi you write to inform not to impress. nagsusulat ka kasi yun ang gusto mo at hindi dahil yun ang gustong mabasa ng mga tao sayo. yung sa emotional monster mo naman..wala naman. parehas kasi tayo. pero kahit wala akong kinalakhang erpat, may mga kompidens naman ako kaya kaya mo rin yan..lagi mo lang isapuso ang chant na "gwapo ako, gwapo ako, gwapo ako" paulit-ulit. magbabago ang tingin mo sa mundo. :)

    ReplyDelete
  6. Oh. this is a very honest post.
    About blogging, here's an excerpt from Desiderata:

    If you compare yourself with others,
    you may become vain or bitter,
    for always there will be greater and lesser persons than yourself.

    Just blog on!

    PS. I'm not sure, if it's the template your using, pero mabagal mag-scroll down yung blog mo, Feedback lang.

    ReplyDelete
  7. haaay naku! gusto mo ng sampal? hehehe.

    lilipas din yan. ako nga, walang sense mag-post pero daily kung mag-update. hihi.

    ReplyDelete
  8. Just passing by. Don't worry, you'll be able to think of something. Writer's block is never permanent, lol

    ReplyDelete
  9. i like the way u blog, just keep it up and dont be insecure, everybody has his own style

    people are just lazy to comment, parang ako lang hehehe

    muah hugzzzzzzzzz!!

    ReplyDelete
  10. naku ganun talaga...
    .
    .
    pareho lang tau. napifeel ko din minsan parang walang kwenta mga sinusulat ko pag nababasa ko mga post ni Kuya Joms, Kane etc. hehe
    .
    .
    gawin na lang nating inspirasyon para makapagsulat ng mas mabuti =)
    .
    .
    uyy salamat nga pala sa pagbabasa. at pasensya na. akala ko nafollow na kita xe lumalabas yung updates ng blog mo sa dashboard ko

    ReplyDelete
  11. @my-so-called:that is soooo sweet.. hihi!

    @ms.chuniverse: maikli ang message mo pero tagos... tagos na tagos..

    nakaka green naman yung term ko.. hihi

    @echoosera: super thanks ah.. lagi ko na lang binabalewala yung love niyo sa akin. maybe because i always search for romantic love at di ko na kayo nano-notice. sorry and ill try to change my ways

    ReplyDelete
  12. @emmaleigh: josko! marunong ka pala mag tagalog.. nakakaloka ka! pero thanks ah for being honest i appreciate it

    @caloy: pre! haha! super natuwa ako sa message mo, napangiti ako sa ikalaliman ng pag e-emote ko... hihi! feeling ko tuloy super close na natin and parang feeling ko ka-barkada lng kita

    ReplyDelete
  13. @orally: thanks sa words of wisdom.. cge i'll change my template ;p

    @nimmy: lilipas nga din toh... thanks nimrod!

    @will: thanks for passing by pero sana bumalik balik ka din.. hihi! feel at home :)

    @conio: ginanahan ako sayo... *parang ang pangit pakinggan.. hehe*

    ReplyDelete
  14. @desole: kayo nga ni bookie idol ko sa pagsusulat eh.. nag enjoy ako sa pag ba-back read sa blog mo i swear.. keep writing wag i-delete ang blog ah

    ReplyDelete
  15. binalikan ko talaga itong post na ito?haha at oo marunong ako magtagalog. fluent na fluent pa haha

    ReplyDelete
  16. @emma: nakakatuwa ka.. kala ko shalan shalan ko cowboy ka din pala..hihi

    ReplyDelete
  17. haha apir! ganun talaga sarap magtagalog e lol!

    ReplyDelete
  18. @emma: yan ang proud pinoy! pak ka jan.. hihi

    ReplyDelete

Exercise your freedom of expression